ISA si Sunshine Cruz sa co-star ni Cristopher de Leon sa seryeng Love Thy Woman ng ABS-CBN 2. At dahil nagpositibo ang aktor sa Covid 19, na ngayon ay magaling na at nakalabas na ng hospital, kaya nagself-quarantine si Shine.
“We ara all okey naman. Self-quatantine lahat. Nag-a-assist ang ABS-CBN. We had a conference call pa with the ABS bosses and Dr. Susan Mercado. So far, so good,”sabi ni Shine sa interview sa kanya ng Push.com
Wala rin daw nararamdaman si Shine ng kahit anong sintomas ng pagkakaroon ng nakakahawa at nakamamatay na sakit.
“Almost two weeks na rin po the last time I was exposed to kuya Boyet and so far, no symptoms. Pinalalakas ko na lang ang katawan ko by sleeping well, eating healthy food, and pinapalakas ang immune systerm pati mga bata. And of course kailangan ng dasal not just for us pero para sa mga mahal natin sa buhay. Kailangan lakasan ang faith, lalo na po ngayon,”
Habang naka-self quarantine, ang ginagawa ni Shine ay nanonood ng mga lumang pelikula at bonding at luto sa kanyang tatlong anak na babae.
“Nagluluto ako kung ano ang request nila. Mga bagay na ‘di ko madalas nagagawa noon dahil busy sa work, nagagawa ko for them now,”

***

HANGA si Yorme Isko Moreno sa kapwa niya mayor na si Vico Sotto. Ito ay dahil sa magandang serbisyo-publiko na ipinapakita ng binata ni Vic Sotto sa kanyang constituents sa Pasig City. lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa banta ng Covid 19.
Sabi ni Yorme Isko tungkol kay Vico,”Matalinong bata ‘yun, magaling.”
Ayon pa kay Yorme, sana raw ay mahawaan siya ng talino ni Mayor Vico.
“Gusto kong gamitin ‘yung talino niya minsan, eh. Sana maabunan tayo ng konti. Ako naman kasi, kapag may ginagawang maganda, gusto ko rin kinokopya, eh. Basta sa buhay,lalo na sa pamamahala, puwedeng mangopya.”
Biro pa ni Yorme, basta huwag lang daw ‘yung assignment o examination ang kinokopya.
“Huwag ninyong gagayahin ‘yun.”aniya pa na natatawa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *