Yorme Isko: ‘Di ako tatakbong Presidente’

TINULDUKAN agad ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga haka-haka na tatakbo siyang presidente sa 2022 presidential derby.
“Kung kayo naman ay kinakabahan, hindi po ako tatakbong presidente. Para mapanatag kayo, hindi po. Huwag ako.”
Ito ang inihayag ni Moreno sa publiko sa kanyang ‘Capital Report’ kasabay ng panawagan sa publiko na itigil na ang pamumulitika.
Ginawa ni Moreno ang pahayag kaugnay sa inisyatibo at ginagawang pagtulong ng pamahalaang lungsod sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas, kungsaan nagbigay ng P2.5 milyon ang alkalde.
Wala aniyang kulay-kulay dahil iisa lamang ang kulay ng mga Pilipino at iyon ang kulay Kayumanggi.
Kaya’t hiling ng alkalde sa mga kababayan na huwag nang bigyan pa ng kulay ang pagtulong ng pamahalaang lungsod ng Maynila, bagkus magtulong-tulong at iwasan ang pagkahiwa-hiwalay at magkaisa sa iisang hangarin na makatulong sa mga nasalanta at nangangailangan.

  • 17
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    17
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *