Yorme Isko buwisit sa militante, padidilaan ang pinintura sa pader

PIKON na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa ginagawang pambaboy ng vandals sa mga bagong pinturang pader sa Maynila.
Dahil dito ay seryoso ang kanyang banta na padidilaan niya ang mga ginamit na pangpintura sa pader, poste ng LRT, ilalim ng Lagusnilad underpass sa sinumang mahuhuling gumagawa ng bandalismo.
“Naghahanap kayo ng matinong gobyerno tapos ‘yung nagsusumikap na magkaroon ng kaayusan, kayo ang manggugulo.”
“The people of Manila don’t deserve this…human rights? ‘Wag kayo papahuli sa akin. Pag nahuli ko kayo, ipapadila ko sa inyo, buburahin nyo ito ng dila nyo,” banta ni Moreno na dating “kanto boy” sa Tundo.
Ang paalala ay ginawa ni Moreno matapos na ma-bad trip si bandalismong ginawa sa Lagusnilad Underpass.
Samantala, ayon kay Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at presiding officer ng Manila City council, ang pagba-bandalismo ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Ordinance No. 7971 o ang tinatawag na Anti-Vandalism Law of 1999.
Ayon pa kay Lacuna, batay sa Section 2 ng naturang ordinansa, nakasaad na mahigpit na ipinagbabawal ang sinuman na mag-bandalismo o pagsalaula, sa pamamagitan man ito ng pagpintura, pagsusulat, pag-drawing at mga kahalintulad na pamamaraan, sa mga pader, bakod, bahay o gusali, lamp posts, street signs, sidewalks at kahalintulad, maliban na lamang kung pumayag ang may-ari ng pribadong property o pinayagan ng alkalde kapag sa pampublikong ari-arian.
Dinagdag pa ni Lacuna na nakasaad sa Section 3 ng ordinansa na ang sinumang lalabag dito ay may parusang multa na hindi bababa sa P1,000 hanggang P5,000 o kaya’y pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan hanggang isang taon, o pwedeng parehong parusa.
Nauna rito, ilang netizen ang nagpaabot sa Manila City government hinggil sa pagsalaula ng mga aktibista sa mga underpass, na matapos na ipaayos ni Moreno ay sinulatan nila ng mga salitang “Atin ang Pinas! US-China Layas!- PS”, “Digmaang Bayan, Sagot sa Martial Law!—PS”, at “Presyo, Ibabaw, Sahod,
Inako naman ng “Panday Sining” ng militanteng Anakbayan, na nagpahayag pa ng kahandaang makipag-usap kay Moreno hinggil sa kanilang ginawa.
Humingi rin ang mga ito ng paumanhin sa kanilang ginawa ngunit dumepensa na kinailangan umano nilang gawin ito para mailabas ang kanilang saloobin hinggil sa mga nangyayari sa bansa sa kasalukuyan.
“Sorry for the inconvenience, but the matter and issues at hand are urgent,” pahayag ng militanteng grupo.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close