XIAN LIM zodiac sign ang unang tinanong sa bagong leading lady na si RYZA CENON

SA unang pagkakataon ay magsasama sa isang pelikula sina Xian Lim at Ryza Cenon na may working title na “Sa Muli” directed by Fifth Solomon under Viva Films. Sa katatapos na story conference ng nasabing pelikula ay nakapanayam ng inyong StarsPhotog sina Xian, Ryza at Direk Fifth tungkol sa pelikula.
Direk Fifth: “Istorya ito ng pag-ibig na hindi nagkatuluyan noong unang panahon pero sa kanilang reincarnation ay muling magkakatagpo at aabangan kung magkakatuluyan na sila sa kasalukuyang panahon.
“Medyo may pagka-Nostalgic ang istorya nito dahil tatlong henerasyon ang gagampanan nina Xian at Ryza- 1900’s, 1950’s at 2020. So medyo magastos dahil sa kanilang costumes at magso-shoot kami sa ilang historical places.”
Kumusta naman sina Xian at Ryza noong nalaman nila na sa unang pagkakataon ay magkakasama sila sa pelikula?
Ryza: “Ako, personally, I’m excited to work with Xian. Noong lumipat kasi ako sa ABS-CBN ay Hi! Hello lang kaming dalawa sa ilang shows. I’m looking forward to work with him.”
Xian: “Same din, first time kong makausap si Ryza ngayon. Ang una ko ngang tinanong sa kanya kung ano ang zodiac sign niya para malaman ko kung magkakasundo ba kami at swerte ba kami ngayong taon.
“Binabasahan ko lang sya according sa isang Zodiac Website. Pinu-Feng Shui ko yung karakter ni Ryza kung magkakasundo ba kami. Kasi mamaya magbiro ako then mailang sya sa kin. Okay naman daw kami.”
Handa naman daw ang dalawa sakaling magkaroon sila ng love scene, kissing scene at intimate scene sa kanilang pelikula.
Ito raw ang kauna-unahang seryosong pelikula na gagawin ni Direk Fifth dahil bukod sa mga hugot scenes ay medyo historical daw ang dating nito. Kakaibang istorya dahil tatlong henerasyon ang eksena nina Xian at Ryza.

  • 10
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    10
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *