WINWYN MARQUEZ binigo ang fans, inuudyukang sumali ulit sa beauty pageant

DAHIL sumasali uli  ang mga dating  talunan sa beauty contest, marami ang humihimok kay Winwyn Marquez na sumubok sumali muli sa Miss Universe Philippines kahit na tinanghal na siyang winner sa beauty pageant.
Pero na-disappoint ang mga supporters ng beauty queen/actress dahil hanggang sa matapos ang deadline ng submission ng application ay walang Winwyn na nagpunta.Ayaw tanggapin ng followers ni Winwyn na may kontrata pa siya sa GMA 7 na dapat niyang pahalagahan at sundin.
Dahil dito ay may mga supporter siyang nagalit at nag-comment pa na dahilan lang daw ng dalaga ang kontrata niya sa Kapuso Network kaya tigilan na at huwag nang kulitin pa.Sinagot naman ito ni Winwyn na, “I`m sure you know naman the meaning of the word contract right?”Pero mayroon pa rin umasa na sa last day ng submission ng application ay darating si Winwyn pero muling nadismaya ang kanyang supporters kaya nagalit nang tuluyan ang mga ito.
Katuwiran pa ng mga tagahanga ni Winwyn, bakit daw ang mga dating beauty queen na may kontrata rin sa GMA 7 ay sumali sa Miss World Philippines? Bakit daw siya ay hindi magawang sumali?
Ang ibig lang daw sabihin ay talagang ayaw nang sumabak uli sa pageant si Winwyn.

***

HUMIHINGI ng tulong si Coco Martin sa kanyang mga tagahanga para hindi tuluyang maipasara ang ABS-CBN na magtatapos ang prangkisa sa susunod na buwan.
Bukod kasi sa franchise renewal ay kinakaharap din ng Kapamilya Network ang quo warranto na inihain ng Solicitor General sa Supreme Court na binibigyan ng sampung araw ang ABS-CBN para magpaliwanag sa inihain laban dito.
“Napakalaki ng utang na loob ko sa ABS-CBN, natupad ko lahat ng pangarap ko para sa sarili ko at sa aking buong pamilya. Dahil ang ABS-CBN, napakaraming tao at pamilya na nabigyan ng oportunidad magkaroon ng maayos na buhay. Sa pamamagitan ng FPJ`s Ang Probinsiyano, napakaraming taong natulungan, mula sa aming mga artista, staff at crew.
“Nabigyan ulit ng trabaho lalo na ang mga artista na nawalan ng pag-asa na muling makita ulit sa telebisyon, nagkaroon ulit sila ng pagkakataon para kumita at ituloy muli ang lanilang mga pangarap!
“11,000 na empleyado po ang mawawalan ng trabaho, kabilang na po ako. Paano na po ang aking pamilya at ang mga pamilya ng lahat ng nagtatrabaho sa kumpanyang ito? Dito po kami umaasa ng aming ikabubuhay.
“Sa pagtatrabaho ko sa ABS-CBN ay nalibot ko na halos ang buong Pilipinas at buong mundo upang pasiyahin at pasalamatan ang lahat ng mga Pilipino na tumatangkilik sa aming mga pinalalabas. Gumagawa din po ang ABS CBN ng mga charity events upang makatulong sa ating mga kababayan. Sa tuwing may sakuna, ang ABS-CBN ginagawa ang abot ng kanilang makakaya upang makatulong sa lahat ng nangangailangan.
“At ako mismo ang nakasaksi kung gaano kabuti ang hangarin ng ABS-CBN upang makatulong sa lahat ng mga Pilipino.
“Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko kung mawawala ang ABS-CBN na naging malaking bahagi ng aking buhay. Sana po tulungan ninyo kami na ipanalangin na mapukaw ang puso at maliwanagan ang isip ng mga tao na nagnanais ipasara ang istasyon na tumutulong ng malaki sa maraming buhay!”

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *