SANIB-PUWERSA ang Wang’s Ballelub at Letran Seniors Basketball Team para sa aarangkadang PBA D-League Aspirants Division Cup sa darating na February 13,2020
“Bilang isang produkto ng Colegio de San Juan deLetran, buong puso nating aayudahan bilang sponsor ang Letran Knights sa pagsabak sa development league ng Philippine Basketball Association bilang bahagi ng ating pagtulong sa preparasyon ng NCAA defending champion na ang misyon ay ang back-to-back title sa naturang collegiate league,” pahayag ni businessman/sportsman Alex Wang, founder ng institusyon nang Wang’s Ballclub at certified Letranista.
Ang naturang partnership ay naplantsa sa pamamagitan nina Wang, Letran Knights champion-head coach Bormie Tan at CSDL sports coordinator Fr. Vic Calvo
Ang buong line-up ng Letran Knights seniors na nagkampeon nitong nakaraang NCAA season ang bubuuin ng Wang’s Letran Basketball sa D-League ayon sa kanilang kasunduan.
“Dadagdagan lang natin ng ilang players mula sa Wang’s Basketball pool upang mabigyan din ng break ang mga diskubreng talenot ng organisasyon,” ani Wang.
Naging produkto ng Wang’s ang mga gumawa na ng pangalan sa PBA na sina Allen Maliksi, Beau Belga, Ronnie Marias, Jerwin Gaco atbp. (Ni Danny Simon)

***

PH chess team palaban sa  44th World Chess Olympiad

SA taong ito magiging palaban ng husto ang pambansang koponan sa pagtulak ng 44th World Chess Olympiad sa Moscow, Russia mula Agosto 5 haggang 18, 2020.
Nakakatiyak na sa Pambansang koponan sina US based Grandmaster (GM) Rogelio “Banjo” Barcenilla at International Master (IM) Paulo Bersamina matapos makopo ang dalawa sa limang slots sa pinakamalaking pandaigdigang torneo ng World Chess Federation (FIDE) sa taong ito.Tatlong slots na lamang ang nalalabi.
Si Barcenilla na two-time (1989 and 1990) Asian Junior champion sa India at Dubai at 1991 Bronze medalist sa World Juniors championship sa Romania ang nagkampeon sa 2019 Philippines National Chess Championship na tinampukang Battle of the Grandmasters na ginanap sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE),nitong Nobyembre 26 sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa magiting na pamumuno ni Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr.
Pitong (7.0) puntos ang itinala ni Barcenilla, isang puntos ang kalamangan kina IM Bersamina at Grandmaster (GM) John Paul Gomez na may tig 6.0 na puntos. Nakamit ni IM Bersamina ang ika-2 puwesto na may mas mataas na tie break points sa nag ika-3 puwesto na si GM Gomez.
Malaking posibilidad na mapasama si US based Grandmaster (GM) Julio Catalino “Ino” Sadorra sa pambansang koponan sa pagkopo ng elo rating na 2564, No.1 Filipino player sa FIDE rating list sa Philippines roster.
Habang aktibong manlalaro na nakabase sa Pilipinas ay sina Asia’s First grandmaster (GM) Eugene Torre, 13-times Philippine Open champion Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr., GM Darwin Laylo at GM Gomez.
Habang nasa US naman sina (GM) Mark Paragua at (GM) Oliver Barbosa.
(Marlon Bernardino)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *