URONG SULONG

MIYERKULES ng hapon, nakipagpulong si Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa mga kinatawan ng gobyernong Estados Unidos. Inayos ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila ang pulong na dinaluhan ng mga career official ng State Department’s International Narcotics and Law Enforcement Affairs, Drug Enforcement Administration (DEA), United States Agency for International Development (USAID), U.S. Federal Bureau of Investigation (FBI), at iba pang ahensya.
Kinakatawan ng mga Amerikanong opisyales na nakipagpulong sa Pangalawang Pangulo bilang co chair ng Inter-Agency Committee on Illegal Drug (ICAD) ang iba’t ibang pananaw at disiplina ng mga ahensiyang bumabalikat sa suliranin ng ilegal na droga sa Estados Unidos. Binigyan ng briefing si Leni ng mga opisyales tungkol sa iba’t ibang istratehiya at programa na ginagamit ng Estados Unidos sa kanilang digmaan kontra droga.
Nagpahayag ng suporta ang kinatawan ng gobyernong Amerikano sa binagong digmaan kontra droga na pinangangasiwaan ng Pangalawang Pangulo. Sapagkat inaalis na ang Oplan Tokhang na pumatay ng libo-libong mahihirap na pinaghinalahang adik at ibinatay ang kampanya sa pangingibabaw ng batas, o rule of law, kagyat na nagpahayag ang mga kinatawan ng gobyernong Amerikano ng buong suporta sa kampanyang pinamumunuan ng Bise Presidente. Nagkasundo silang magtulungan sa kampanya.
Hindi natatapos sa mga pangako ng suporta ang pag-uusap ng dalawang panig. Naiintindihan ng Pangalawang Pangulo ang pangangailangan ng tama at sensitibong impormasyon tungkol sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa. Dito pumasok ang Estados Unidos. Bagaman hindi tahasang sinabi sa press statement sa pagtatapos ng pag-uusap ng dalawang panig, mahihinuha na nagkaroon ng commitment ang Estados Unidos na magbigay ng intelligence information kay Leni tungkol sa mga taong nasa likod ng kalakalan sa droga ng bansa.
Mayroong kakayahan, pera, teknolohiya, at mga taong may kasanayan ang Estados Unidos upang malaman ang kalakaran sa ilegal na droga sa bansa. Alam ni Leni na hindi niya maasahan ang burukrasya na magbigay ng tamang intelligence information. Masyado na itong nakompromso. Wala na sa ayos ang kanilang pagpapatakbo.
Takot na takot sina Bong Go, Bato dela Rosa, Aaron Aquino at iba pang nasa likod ng nabigong programa kontra droga ni Rodrigo Duterte sa pagpasok ng Estados Unidos sa eksena. Alam nilang hindi sila sasantuhin ng Washington. Batid nilang hindi sila bibiruin at malamang idawit sila ng Estados Unidos. Ito ang dahilan kung bakit pilit nilang sinisira ang loob ng Leni.
Hindi nga lamang sila magtagumpay sapagkat alam ni Leni ang kanyang ginagawa at gusto sa buhay. Isang katangian ni Leni ang katatagan ng kanyang prinsipyo. Wala kasi siyang itinatago. Malinis ang kanyang hangarin. Hindi kaparis nila na pawang mga oportunista.
Mukhang nasa tamang panahon ang pagpasok ng Pangalawang Pangulo sa digmaan sa droga at pagtanggap sa posisyon bilang co-chair ng ICAD. Mahina ang katawan ni Rodrigo Duterte. Hindi makapamuno ng maayos. Mas piniling matulog na lamang sa Davao City imbes na bumangon at pangunahan ang digmaan kontra droga.
Napansin ng Human Rights Watch, isang civil society organization na nagmamasid sa digmaan kontra droga ng bansa, na hindi ibinibigay ng Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) at Philippine National Police (PNP) kay Leni ang operational control ng digmaan sa droga. Pilit nilang inaangkin ang timon sa digmaan. Hindi nga lamang sila tinitingala sapagkat mas bahagi ng problema ang PDEA at PNP imbes na solusyon. Ito ang malinaw na katotohanan.
Malakas ang dating ng Pangalawang Pangulo. Mayroon siyang suporta mula sa international community. Siya ang mayroong moral authority na mamuno dahil malinis ang kanyang pangalan. Wala siyang kahit isang bahid ng kalokohan. Hindi ganito ang dating ni Duterte at sampu ng kanyang kapanalig na nagpapatakbo ng bigong giyera kontra droga.
Alam ni Leni ang kanyang gusto. Alam niya ang kanyang gagawin. Alam niya kung ano ang hihingin sa Estados Unidos at nakahanda namang ibigay ang mga ito sa kanya.

***
BUKING na sila na walang nangyayari sa Build, Build, Build, ang ipinagmamalaking programa ni Duterte sa imprastraktura. Ngunit pilit na humihirit at sinasabing hindi ito bigo. May nangyayari daw, ayon sa kanila. May naibuhos na kabuaang halaga na P1 trilyon sa programa. Hindi nga lang natin malaman kung saang proyekto at magkano. Walang detalye.
Hindi programa sa imprastraktura ang Build, Build, Build. Isa itong malaking kahangalan. Listahan lamang ito ng mga kahilingan. Talaan lamang ito ng mga proyektong nais na maging totoo. Hindi ito pinondohan ng China. Nakuha na ng China ang kanilang gusto sa Filipinas na buong giliw na ibinigay ni Duterte. Bakit pa nga naman sila gagastos?

***
NAPULOT lamang natin ang sumusunod na sanaysay sa social media. Isinulat ito ng aming kaibigan netizen na si Philip Lustre. Tungkol ito sa trabaho. Hindi basta tinatanggap sa trabaho ang mga taong may kuhang larawan sa social media na naka-fist salute. Pakibasa:
WHAT NETIZENS DON’T KNOW
Netizens, particularly the employable millennials, may not know that those firms they are applying for work conduct quiet background checks on them before they get the jobs. Usually, business firms have personnel staff, who do and collate BIs (background information) on you. Part of the BIs are the posts netizens make on social media. The posts they put on their socmed accounts serve as indicators of their mental and psychological stability, intellectual capacity, and nature and depth of their characters.
Usually, firms, particularly the big ones, don’t hire prospective workers who have mental, moral, physical, and intellectual issues. They don’t like guys who have extremist views. They avoid people with fanatical inclination, particularly when it comes to politics and religion. They prefer people with a balanced and sunny disposition.
In brief, middle of the road guys have better chances. Hence, avoid being loud and proud – or fanatical – on your posts. Avoid doing the deplorable fist salutes as if you’re a neo-Nazi. Remember that you would eventually pay for your bigotry and narrow-mindedness.
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close