Wala nang buhay na mga hayop at halaman... TAAL ISLAND ‘NO MAN’S LAND’

WALA na umanong natirang buhay sa mga halaman at wild life pagkatapos ng pagbuga ng abo at lava sa isla ng Taal, sabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon.

Kahapon, nasa 18,000 residente mula sa mga ba-yan ng Laurel, Balete, Talisay, San Nicolas, Agoncillo, Alitagtag, Mataas na Kahoy, Lemery at mga lungsod ng Tanauan at Lipa sa Batangas ang pinalikas, ayon kay NDRRMC spokesman Mark Timbal.
“The residents were the first ones to be evacuated, and the animals were next in line. But when rescuers were supposed to return, the escalation prevented them from doing so,” sabi niya sa ANC.
“We were informed during aerial inspection that both flora and fauna in the volcano are dead already so there would be no reason for our rescuers to return.”
Ang naturang bilang ay tataas pa sa patuloy na pag-evacuate ng mga residente mula sa loob ng 14-kilometer danger zone, sabi ni Timbal.
“We surmise that the reason for them insisting of going now because they are aware that alert level 4 means there’s an imminent eruption,” sabi niya.
Ang suplay sa mga residente para sa 76 evacuation centers ay sapat pa pero ang mga donasyon ng pagkain, inuming tubig, at mga gamit sa pagtulog ay kailangan parin nila.
Ang mga donasyon ay hahawakan ng NDRRMC, social welfare department, at local government units, sabi ni Timbal.
Sakaling tumagal ang volcanic activity, ang mga klase ay gagawin sa evacuation centers habang ang ibang erya ay para sa evacuees.
“More often than not the very students of that school are the ones staying in the evacuation center,” ani Timbal.
Kapag humupa na ang paggalaw ng bulkan, hindi na papayagan ng gobyerno ang pagtatayo ng mga permanenteng bahay sa isla ng bulkan, sabi ni Timbal.
“The main volcanic island will be considered as a no man’s land. No communities allowed to be rebuilt there. They will not be allowed to return, they will be provided resettlement site,” sabi niya.
“This does not mean we will not be allowing the rest to go in the future. We will not be allowing residential areas to be built in that island.”

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *