Graffiti art ang pagbaboy sa mga pader?

SHOCK ang lahat! Hindi nila inaasahan, lalo ng kampo ng administrasyon, na kakasa si Vice President Leni Robredo sa hamon ni Pangulong Rody Duterte na maging co-chairperson ng inter-agency committee on illegal drugs (ICAD).
Maging ang mga kaalyado ni Robredo ay namangha, ‘di makapaniwala na tanggapin ng bise presidente ang alok ni Duterte na sa tingin nila ay isang “trap” o naghahanap lang ng damay ang administrasyon sa kabiguan nitong sugpuin ang droga sa loob ng 3 to 6 months sa unang taon ng kanilang pamumuno sa bansa.
Sabi nina Liberal Party President Kiko Pangilinan at dating Senate President Franklin Drilon, nagulat sila sa tapang ni VP Robredo na tanggapin ang appointment ni Pres. Duterte para maging katuwang ni PDEA Director Aaron Aquino sa ICAD as co-chairperson.
Personal na desisyon daw ito ni Robredo. At sinusuportahan nila ang bagong posisyon nito sa gabinete ni Duterte.
Maging si Senador Ping Lacson ay hindi makapaniwala na kakasa si Robredo sa hamon ni Duterte. Gayunpaman, sinusuportrahan aniya ang bise presidente para magtagumpay ito.
Nilinaw naman ni Robredo, isang abogada, na hindi niya hiningi kay Duterte ang posisyon. Hindi rin aniya binabatikos ang “war on drugs” ng administrasyon. Pero kung ito aniya ang paraan para makapagligtas siya kahit ng isang inosenteng buhay sa madugong kampanyang ito laban sa iligal na droga, game na game siya kahit pa raw wala siyang makuhang suporta sa mga nakapaligid sa kanya na mga “bata” ng pangulo.
Sabi ni Robredo para kay Duterte: “Dalawang taon at kalahati nalang kayo sa termino, Mr. President, may magagawa pa tayo, pagtulungan natin ang malaking problemang ito laban sa iligal na droga sa bansa.”
Pero wala pang linaw kung ano ang magiging papel ni Robredo sa ICAD dahil wala naman sa Saligang batas ang binigay sa kanyang posisyon na co-chair. Si Aquino ang Chairperson ng ICAD.
Say ni Presidential spokesman Sal Panelo, pag-uusapan pa nila kung ano talaga ang magiging trabaho ni Robredo sa ICAD.
Obviously, hindi pa nagsisimula si Robredo sa kanyang task sa ICAD ay tila binu-bully na siya ng ilang mambabatas na dikit kay Pangulong Duterte. Tila nagpapanik na ang mga ito. Kasi nga naman baka may mga mahalukay na sekreto si Robredo sa ICAD na lalong ikasisira ng administrasyon lalo’t higit dalawang taon nalang ay halalan na sa pagkapangulo. Yari!
Parang nakini-kinita ko na kung sinu-sino ang magbibigay ng mga detalye kay VP Robredo sa bagong trabaho niyang ito as drug czar. Trillanes pasok! Lacson come in!
Well, anuman ang magiging papel ni Robredo sa ICAD, sana’y makatulong ito ng malaki sa kampanya ng gobierno laban sa iligal na droga. Goodluck, Ms. Vice President!

75-day clearing ops ng DILG

MULING magsasagawa ng 75-day clearing operations ang DILG nationwide.
Napag-alaman kasi ng tanggapan ni Sec. Eduardo Año na marami paring sidewalks ang sarado sa obstructions, at nagbabalikan uli ang mga dating nalinis na.
Kaya mga mayor, bgy. chairmen, balikan n’yo uli ang mga bangketa sa inyong nasasakupan na hindi pa nalilinis bago pa kayo makasuhan ng DILG. Now na!

GREETINGS: Belated birthday sa aming staff Showbiz Editor Blessie Cirera at Encoder/Layout artist Rosalyn Marino. Wish you more more bdays to come. Mabuhay!

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close