Viral ngayon sa social media ang larawan ng mga Bumbay sa Bulacan na sa halip na maningil ng pautang, nagbahay-bahay para mamigay ng relief packs.
Isang grupo ng mga Bumbay ang nagbahay-bahay sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte Bulacan hindi para sa nakagawian nilang paniningil ng pautang sa araw-araw.
Hinatiran nila ng relief packs ang mga residente ayon sa viral post ng Facebook page na Master Epong.
Ayon sa post, batid ng mga Bumbay na dahil sa umiiral na enhanced community quarantine, marami sa kanilang kliyente kapos na.
Maliban sa wala silang panghulog sa utang, wala din silang pambili ng makakain.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *