NANLUMO ang mga magulang ng isang 10-buwan na sanggol na babae matapos nilang madiskubre ang mga pananakit na ginawa dito ng kaniyang yaya.
Hindi lang isa kundi 71 beses umano nasapul ng nakakubling “nanny cam” ang mga pananakit ng yaya na si alyas “Vanessa”.
Kuwento ng ama ng bata na si alyas “Mark”, may trabaho kasi sila ng kaniyang misis kaya kailangan nilang umarkila ng yaya.
“Bale ‘yung kuya ko kasi may nag-refer sa kanya na yaya so since okay naman, nagpakuha kami… In-expect namin okay ‘yung sa kuya ko, okay sa amin,” ani Mark.
Wala naman umanong problema noong simula hanggang sa kausapin na sila ng kapitbahay ukol sa hinala nila kay Vanessa.
Nagpakabit ang mag-asawa ng “nanny cam” na nagsilbing mga mata nila kapag iniiwan ang sanggol kay Vanessa.
Doon nakumpirma ang kanilang masasamang kutob.
Sa isang video, parang manyika na ibinalibag ni Vanessa ang baby sa kama matapos paliguan. Pinilipit din niya ang sanggol habang binibihisan.
“Sobrang dami ko nakita… After maligo ‘yung bata karga niya ihahagis niya doon sa kama ‘yung ulo umaalog talaga… From November 18 to 28, sa duration na ‘yun… 71 videos na sinaktan niya anak ko,” hinaing ni Mark.
Halos 2 buwan namasukan si Vanessa sa mag-asawa.
Ipina-blotter na sa barangay ang yaya pero noong una, tumanggi pa ito sa mga paratang. Hanggang sa dalhin na siya sa pulisya at doon ito napaamin.

“Nagawa ko lang po ‘yun kasi hindi ko na po alam ano gagawin ko. Nabalingan ko na lang po siya [dahil] wala pong trabaho ang asawa ko,” depensa ni Vanessa.
Desidido ang mag-asawa na magsampa ng kaso.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close