Villar, ipinahayag ang pagdaraos ng 9th OFW and Family Summit sa November 12

NAKIKIISA si Senador Cynthia Villar sa pagsisikap ng buong bansa na makapagbigay ng kailangang suporta sa paglaban ng bansa sa coronavirus o COVID-19.

Ibinigay sa Las Piñas General Hospital (LPGH) para pansamantalang magamit nito ang tatlong palapag na gusali na ipinagawa ng kanyang pamilya bilang extension ng pasilidad nito, temporary housing ng healthcare workers at quarantine facility.

Sasagutin din ng Villar family ang pang-araw araw na pagkain ng Las Piñas General Hospital Staff.

Ang nasabing mga gusali ay isa sa dalawang gusali ng Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center at mga gusali ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) at Provincial Board Members’ League (PBML) na nasa Barangay Ilaya, Las Piñas City.

“We are sharing the rooms and facilities of the said buildings to the Las Piñas General Hospital to provide their healthcare workers with a convenient temporary accommodation, so they don’t have to commute daily. The hospital can also use it to complement their existing facilities to better cope with the demand for beds and rooms,” ayon kay Villar.

Ang Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Barangay Ilaya ay may 2- storey building para sa mga babae at 86-patient capacity at 3-storey building para sa mga lalaki na may 158-patient capacity.

Sinabi ni Villar na pagsasama-samahin sa isang gusali ang drug rehab patients sa sandaling kailanganin ang isa pang gusali.

Giit ni Villar na kailangan sa kasalukuyang krisis ang pagkakaisa at “bayanihan” ng mga Filipino.

Una nang nag-donate ang Villar family ng disinfecting apparatus, face masks at drinking water sa government hospitals.

Ibinigay ang first batch ng disinfecting apparatus sa siyam na government hospitals at 200,000 face masks at supply ng bottled drinking water sa Department of Health (DOH).

Nagbibigay din si Villar ng pagkain at drinking water sa mga barangay sa Las Piñas at Cavite.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *