Villar, ipinahayag ang pagdaraos ng 9th OFW and Family Summit sa November 12

IPINAHAYAG kahapon ni Senador Cynthia Villar ang pagdaraos ng 9th OFW and Family Summit sa darating na Martes, November 12 na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City.
Sa isang press conference sa Tramway Bayview Buffet, Pasay, sinabi ni Villar na inaasahan niyang libo-libo na namang overseas Filipino workers at kanilang beneficiaries ang dadagsa sa Hall D ng World Trade Center gaya ng mga nakaraang taon.
“My family and many OFWs always look forward to this event because it has evolved into an occasion where OFWs and their families gather and interact with private and government institutions for concerns ranging from access to financial services, social benefits, legal assistance, among others,” ayon kay Villar.
Ang tema isang araw na summit ang “Kabuhayan sa Sariling Bayan.”
Inaasahang magkakaroon ng financial literacy ang ating mga OFWs sa pamamagitan ng summit na ito. Ani Villar, makatutulong ito upang mapalago ang perang kinita ng ating OFWs mula sa ibang bansa.
Sinamahan din ni Susan “Toots” Ople ng Ople Training Center si Villar, director of the Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), sa idinaos na press conference.
Dadalo rin sa okasyong ito sina Senate President Manny Villar, Las Piñas Rep. Camille Villar, DPWH Sec. Mark Villar, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano at Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez.
Magsasalita tungkol sa pagpapalago ng kita sina Burn Gutierrez, CEO ng English Learning Camp at may akda ng “The Adventures of Pepot Kuripot and Dora Gastadora,” ang kauna-unahang finance-influenced comic book sa Pilipinas, Eric Atanacio, may-ari ng Terra Verde Ecofarm, Rienzie Biolena, pangulo at chief financial planner ng Wealth Arki Consultancy, Inc.
Sa paksang Business Landscape and Trends for Start-ups, ang mga panelist ay sina Emma Tolentino, may-ari ng Eco Natural Integrated Farm; Ace Vergel dela Cruz, acquisition executive ng Grab Ph at Capt. Danny Ricohermoso, executive vice president ng Integrated Seafarers of the Philippines, Inc.
May segment din ang mga OFW na naging na entrepreneurs gaya nina Gene Gutierrez, may-ari ng Big Ben’s Gourmet and Big Ben’s Kitchen; Bianca Tolentino, may-ari nf Cofficina Café + Co-work; at Princess San Diego, founder ng What’s Your Flan.
Magkakaroon din ng dialogue sa mga ahensiya ng pamahalaan kasama sina Atty. Sarah Lou Arriola, undersecretary ng Department of Foreign Affairs- Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA- OUMWA); Atty. Hans Leo Cacdac, administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA); Atty. Bernard Olalia, administrator ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA); Atty. Emmeline Aglipay-Villar, undersecretary ng Department of Justice- Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) at I Roel Martin, OIC Director, National Reintegration Center for OFWs (NRCO).
Para magpatala, bisitahin ang http://ofwsummit2019.villarsipag.org, o pumunta sa OFW and Family Summit Desk sa mga Vista Mall and Starmall branches sa buong kapuluan o mag-onsite registration ala-6 ng umaga sa araw ng summit.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close