LGUs pinaglalaan ng pondo para sa agrikultura - Villar

MULING binalaan ni Senador Cynthia Villar ang publiko na huwag maniwala sa text messages na ginagamit ang Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) ng Villar Foundation sa panloloko sa publiko.
Tinukoy ni Villar ang text message na nagsasabing may kasalukuyang contest ang Villar Foundation na nagbibigay ng cash prizes sa mga nananalo.
“We urge everyone to be more discriminating and to be more vigilant against text scams. It is not true that our foundation has an ongoing contest or raffle draw,” ayon kay Villar.
Iginiit ni Villar na idinadaan nila sa kanilang official website at validated social media accounts ang lahat na patalastas para sa kanilang mga proyekto.
Hinimok din ng senador ang mga nakatanggap ng scam text message na agad magreport sa kanilang opisina na makikita ang contact details sa www.villarsipag.org.
“It is not the first time that text scams were circulated to spread disinformation against the Villar Foundation and the Villar name. It is unfortunate that these scammers are targeting innocent people,” ayon pa kay Villar.
Nakikipag-ugnayan na sila sa National Telecommunications Commission at National Bureau of Investigation para sa bagay na ito. Aniya, at hindi sila mangingiming maghain ng kaukulang legal action laban sa mga tao o grupong nasa likod ng disinformation.
Ayon pa sa Nacionalista Party senator, ang pagkalat ng text scam ang rason sa kanyang paghahain ng Senate Bill 340 kung saan dapat na iparehistro ng lahat ng users ang kanilang subscriber identity module (SIM) cards. (

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *