Ken Chan excited sa Voltes V Legacy

SOBRANG excited na ang Kapuso actor na si Ken Chan sa mapipiling cast ng live action adaptation ng well-loved anime na Voltes V: Legacy.
Aniya, looking forward daw talaga siyang muling mapanood ang mga karakter sa iconic Japanese anime.
“Excited ako kung sinong gaganap sa Prinsipe Zardoz dito sa gagawing Voltes V: Legacy ng GMA,” aniya. “Looking forward ako kasi for sure magiging maganda ‘to at magiging successful ito dahil si Direk Mark Reyes ang makakasama nila. Si Direk Mark yan! Kilala naman natin si Direk Mark na kung gumawa sobrang husay at excited ako at happy ako sa magiging part ng Voltes V.,” dugtong pa ni Ken.
May special spot daw kasi sa puso niya ang mga ito lalo na si Prinsipe Zardoz.
“Naalala ko kasi nung nag-dub ako as Prince Zardoz talagang isa sa mga pinangarap na roles ko ‘yun — na gumanap sa Voltes V. Kasi noon pinapanood ko ‘yan, ’90s kid, ‘di ba?”
Matatandaang binigyang buhay ni Ken ang iconic villain at Bozanian Prince noong 2017.
Naniniwala rin siyang magiging hit lalo na sa millennials at die-hard anime fans ang nasabing live action adaptation.
“Ngayon pa lang, kino-congratulate ko na sila dahil nararamdaman ko na magiging successful ito,” pagtatapos ng aktor.
Sa ngayon ay hindi pa napa-finalize ang pinakahihintay na Kapuso TV show.

***

YUMAO na ang magaling at beteranong actor na si Menggie Cobarrubias dahil sa pneumonia at kumplikasyong dala ng Covid-19.
Si Menggie ay isang award-winning actor na hindi malilimutan sa kanyang pagganap sa Cinemalaya movie na “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon,” ang kanyang kauna-unahang lead role na nakipagtagisan siya ng galing sa mga premyadong aktor na sina Perla Bautista at Dante Rivero.
Kilalang beterano rin siya ng mga pelikula nina Lino Brocka, Joel Lamangan, atbp.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *