PATAY ang isang buntis, habang sugatan ang kanyang mister at ama matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang sinasakyan nilang van sa Taguig City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang nasawi na si Michelle Sarsalego, 28, at 6 buwan buntis.
Sakay ng van ang mga biktima at papuntang Pasig City para bumili ng mga gulay nang pagbabarilin sila ng nasa 4 lalaki na sakay ng 2 motorsiklo sa may Barangay South Signal, ayon sa mister ng biktima.
Hinala ng pamilya, may kinalaman sa negosyo ang pag-atake sa kanila lalo at noon ay nakatanggap sila ng banta sa kanilang mga buhay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *