Utol ng aktres na si Ruby Rodriguez: ASST. DIRECTOR NG RITM PATAY SA COVID-19

NAMATAY  na ang kapatid ng TV host ng Eat Bulaga  Ruby Rodriguez na si Dr.Sally Gatchalian matapos  makipaglaban sa Coronavirus disease 2019 (COVID19).
Ayon kay Dr. Rustico Jimenez, presidente ng Private Hospital Association of the Philippines, alas-3 ng madaling araw  ng  pumanaw si Gatchalian.
Si Dr. Gatchalian ay Asst. Director ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) matapos ang intubation.
Ayon  kay Jimenez, si Gatchalian ang ika-9 na doktor na nasawi dahil sa COVID19 at kinukimpirma pa niya ang pang sampu.
Bago pumanaw ay nakapagpaalam pa sa post si Gatchalian, presidente ng Philippine Pediatrician Society (PPS),  na nagsabing: “Its now time to say goodbye”.
Kinumpirma naman ni Rodriguez ang pagpanaw ng kapatid at nagbigay pa ito ng mensahe: “I love you so much, my big sister. Smile. Say hi to Mom, Dad and Manong Robert. Be at peace, do not worry about us anymore. Have fun in heaven! Love you so much!!!” .

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *