Mga pasaway na driver ng biyaheng Tayuman, Tondo

USAD PAGONG NA TRAFFIC SA HARAPAN MISMO NG STA. CRUZ CHURCH MLA. DAHIL SA GINAWANG PARKING SPACE ANG HARAPAN NG MCDO AT BDO. MAY PULIS NAMAN BAKIT DI NILA MAIAYOS ANG GANITONG PAGPAPARADA NG MGA SASAKYAN? KAYA KAILANGAN ANG AKSYON NI YORME ISKO PARA MATURUAN NG LEKSYON ANG MGA PASAWAY NA MOTORISTA. – MATA NG LANSANGAN

Eyesore na ang vendors sa kalye

Vending per se ay hindi masama at illegal pero umabot na sa antas na nakakainis na at eyesore dahil lubha namang dumami ang bilang nila na nakakabara at obstruction na sa mga bangketa at lansangan. Actually, may ordinansa na nagpapahintulot sa sidewalk vending sa sukat na one meter by one meter lang. Sa kakapiranggot na sukat na ito, nanganganak ang maraming pang-aabuso. Dahil hindi naman talaga makakabuhay ang ganitong kaliit na puesto na sinlaki lang ng bilao, napipilitan ang mga vendor na umusli pa ng konti para makasapat ang vending space na sinasantalaj naman ng mga nasa kapangyarihan para pasukain ng tarya o kotong ang mga kawawang manininda. Walang nakapagtitinda sa lansangan na nakakalibre sa tong. Kapit sa patalim ang sitwasyon ng mga vendors. Ngayon panahon ni Yorme Isko sa Maynila, nawala nga tong pero nawala rin ang hanapbuhay ng mga vendors na libo rin bilang nila sa lungsod. Hindi pa hopeless ang problema sa vending, laging may win-win solusyon naman. Naayos at nadesiplina nga ang problema sa trapiko sa istriktong pagbabantay at pagpapatupad ng mga batas, subukan din ang pamamaraang ito sa pagsupil ng mga vendors para maipagpatuloy pa rin ang pagtitinda, puede ba, Yorme?-Lita Merkado, Qpo.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close