US SUPORTADO SI ROBREDO SA ICAD!

NAGDEKLARA ng buong suporta ang Amerika kay Vice President Leni Robredo kasunod ng pagtalaga rito bilang co-chairperson ng inter-agency committee on illegal drugs (ICAD).

Sa kanyang Tweet, binati ni United States Ambassador to the Philippines Sung Kim: “Congratulations to Vice President @LeniRobredo on her new role as co-chair of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.”
“We look forward to continuing to work together as #FriendsPartnersAllies to support Philippine government drug demand reduction efforts,” sabi pa ni Kim.
Si Robredo ay itinalaga ni Pangulong Rody Duterte bilang co-chair ng ICAD ni PDEA Director Aaron Aquino. Ito’y matapos punain ng bise presidente ang umano’y “palyado” na war on drugs ng administrasyon.
Pinayuhan si Robredo ng kanyang mga kaalyado na huwag tanggapin ang alok ni Pangulong Duterte dahil ito anila’y isang “trap” lamang para siya ipahiya.
Ngunit laking gulat ng administrasyon maging ng mga kaalyado ni Robredo nang buong tapang na tanggapin ng huli ang alok bilang opisyal ng anti-drugs inter-agency committee.
Bunga nito ay kaagad nagpaabot ng buong suporta ang maraming senador kabilang na si dating PNP Chief Panfilo Lacson at dating Senate President Franklin Drilon pati ang Liberal Party President na si Sen. Kiko Pangilinan.
Kahapon ay pinulong ni Robredo ang mga opisyal ng ahensiya ng gobierno na kabilang sa kampanya laban sa iligal na droga bilang unang hakbang niya bilang anti-drugs czar.

  • 8
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    8
    Shares
Tagged :

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close