GRUPO NG BI SA ILALIM NI MANAHAN, SERYOSO SA TRABAHO

Una sa lahat, isang belated happy birthday kay Bureau of Immigration (BI) officer Patch Arbas na nagdiwang ng kaarawan kahapon, Nobyembre 7. Mapalad ang BI sa pagkakaroon ng isang opsisyal na gaya ni Arbas na tapat at may dedikasyon sa trabaho. Muli, belated happy birthday kay Sir Patch.

***
Belated happy birthday din sa masipag at mabait na public affairs office chief Connie Bungag at sa napakabait din na spokesperson ng PAL na si Ma. Cielo Villaluna na parehong nagdiwang ng kaarawan kamakailan lang.

***
Bago pa man ang umpisa ng Undas ay wala nang katigil-tigil nang kakaikot si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa mga pangunahing paliparan ng bansa, ang Ninoy Aquino International Airports.
Kasama ni GM Monreal sa pag-iikot sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanyang mga pinagkakatiwalaang opisyal na sina media affairs division chief Jess Martinez at public affairs office chief Connie Bungag, para tiyaking maayos nang nakalatag ang ‘OPLAN Biyaheng Ayos.’
Taon-taon kasi ay inaasahan ang pagdagsa sa NAIA terminals ng mga pasahero dahil na din sa ‘Undas’ break.
Iniutos ni Monreal ang paglalagay ng helpdesks na babantayan ng mga taga-operations ng MIAA, gayundin ng mga taga-public affairs, police at medical office.
Bukod diyan, sinabi ni Bungag na naglagay din ng ‘Malasakit Help Desks’ na siyang nagsilbing ‘focal point’ ng lahat ng mga may katanungan tungkol sa airport at airline operations at karapatan ng mga pasahero. Ang tumao naman sa mga ito, bukod sa MIAA, ay mga kinatawan ng Civil Aeronautics Board na siyang gumabay sa mga pasahero ukol sa mga isyu na may kinalaman sa kanilang karapatan sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights (APBR).
Sinabi naman ni Martinez na batay sa naging kasunduan sa mga airline companies, dapat ay nasa NAIA na ang mga pasahero nang di bababa sa tatlong oras bago ang kanilang flight kung international ang biyahe at dalawang oras bago ang flight kung domestic.
Binilinan din ni GM Monreal ang mga airline na gamitin na ang mga counters na available nang mas maaga kesa sa ‘standard occupancy schedule’ na tatlong oras bago ang departure time.
Tama naman ang sinabi niya. Kung tatlo o limang pasahero na lang ang di pa nagche-check in, dapat ay isara na ng airline ang kanilang ibang counters para naman magamit na ito ng mga susunod na nakalinyang gagamit. Sa ganitong paraan, mapo-proseso na agad ang mga nakapila na nang mahigit pa sa tatlong oras sa paghihintay ng pagbubukas ng counter ng kanilang flight at mapapagaan ang linya sa immigration.
Maganda naman ang naging hakbang ng Cebu Pacific. Sabi ng spokesperson nitong si Ma. Rosario Lagamon, binigyan ng ‘passenger identification devices’ ang mga security personnel na nagbabantay sa entrance ng immigration. Nakakonekta ang device sa system ng CEB at sa pamamagitan nito ay napapabilis ang ‘passenger identification process’ dahil ang gagawin lang ng device ay i-capture ang bar code ng boarding pass ng pasahero.
Sa NAIA Terminal 3 ito ginawa dahil CEB ang may pinakamaraming bilang ng pasahero doon.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close