Unang batch ng OFWs na umuwi mula Middle East dadating ngayong araw

Inaasahan nang dumating sa Pilipinas ngayong Lunes, Enero 13 ang unang batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na inlikas mula sa Iraq.
Ito mismo ang kinumpirma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kung saan sinabi nito na nasa Philippine Embassy na sa Iraq ang unang batch ng mga OFWs na binubuo ng 14 na Pilipino.
Aniya, tiniyak mismo ni special envoy to the Middle East at DENR Sec. Roy Cimatu na sa Lunes pa lilipad patungong Pi-lipinas ang mga inilikas na OFW mula Doha Qatar.
Matatandaang, nagpatupad ang pamahalaan ng mandatory repatriation o puwersahang pagpapalikas sa mga OFW na nasa Middle East dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *