Naniniwala ang Canada na ang Iran ang nagpabagsak sa Ukrainian Airliner noong Miyerkules na ikinasawi ng 176 na katao kabilang ang 63 Canadians.
Ayon kay Prime Minister Justin Trudeau, base sa kanilang multiple intelligence sources, pinabagsak ang eroplano gamit ang Iranian surface-to-air missile.
Pero ayon kay Trudeau maaring unintentional o hindi sinadyang targetin ang naturang eroplano.
Tiniyak ni Trudeau na gagawain ng Canada ang lahat para makapagsagawa ng malalimang imbestigasyon.
Una nang sinabi ng ilang US officials na maaring aksidenteng napabagsak ng Irianian air defenses ang naturang eroplano.
Hiniling naman ng Ukraine sa international partners nito na tumulong sa imbestigasyon.

Ganti ng Iran; pinakamalaking
US military base sa Iraq binomba
Sinimulan na ng Iran ang paghihiganti nito sa Amerika matapos ang pagkasawi sa airstrike ng mataas na opisyal nila na si Gen. Qassem Soleimani.
Magkakasunod na airstrike ang bumagsak sa Ain al-Assad military base kung saan naroroon ang mga sundalo ng Amerika.
Ayon sa ulat ng Iran News Agency na Fars News Agency, inako ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iraq ang responsibilidad sa pag-atake.
Makikita sa video na inilabas ng Fars ang magkakasunod na airstrike sa American base.
Ang Al-Assad Base ang pinakamalaking US military base sa Iraq na matatagpuan sa al-Anbar province.
Matapos ang pag-take
ng Iraq sa US military bases,
“All is well” ayon kay Trump
All is well, so far so good!
Ito ang pahayag ni U.S. President Donald Trump matapos paulanan ng missiles ng Iran ang dalawang military bases ng Amerika sa Iraq.
Sa kaniyang Tweet, sinabi ni Trump na nagpapatuloy ang assessment sa casualties at pinsalang naidulot ng airstrikes.
Pero sa ngayon, “all is well” ayon sa pangulo ng US.
Ayon kay Trump ang military bases ng Amerika sa iba’t ibang panig ng mundo at most powerful at well equipped.
Sinabi rin ni Trump na bukas na Miyerkules ng umaga (oras sa US) siya magbibigay ng pahayag at haharap sa publiko.

***

Ugaliing makinig sa programang “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” tuwing linggo 12nn-1pm sa himpilan ng DWBL 1242 kHz AM RADIO at “BALYADOR NG BAYAN” tuwing sabado 8:00 am sa himpilan ng DWSS 1494 kHz AM RADIO mapapanood live streaming at YOUTUBE! Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *