House of the People

KUNG ating uunawain, mahirap din talaga ang isang public servant tulad ng isang kongresista. Distrito man maituturing ang sakop nilang lugar, subalit nationwide naman ang scoop ng kanilang trabaho dahil nga sa pagbalangkas ng mga makabuluhang batas na makakatulong o makaka-angat sa ekonomiya ng ating bansa.
Ang pagbibigay ng social and medical services, pagpapatayo ng mga school buildings, farm-to-market roads at ibang serbisyo publiko ang isa pang malasakit ng mga kongresista.
Halimbawa, ang isinabatas na House Bill 1540 upang bigyan ng proteksyon ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa mga mapagsamantalang employer at recruitment agencies at illegal recruiters na ini-akda ni Congresswoman Jocelyn Tulfo ng Party-list Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support o ACT-CIS.
Isa ang ACT-CIS sa party-list system ang nakakuha ng three seats ngayong 18th Congress.
Bilang isang kinatawan ng ACT-CIS sa Kongreso, hindi maikakaila ang pagiging malapit sa masa ni Congresswoman Tulfo kaya’t patuloy ang pagbibigay niya ng tulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng medical and financial assistance program.
Sa tulong na rin ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), natutugunan ng tanggapan ni Congresswoman Tulfo ang mga serbisyong kailangan ng ating mga kababayan.
Sa kasalukuyan, umabot na sa P3 milyong piso ang naibigay na financial assistance ng ACT-CIS sa pamamagitan ng Guarantee Letter (GL) mula sa DOH at Endorsement Letter (EL) mula naman sa DSWD upang makabawas sa mga gastusin ng mga kababayang higit na nangangailangan.
Nagtayo rin si Congresswoman Tulfo ng ACT-CIS Aksyon Center sa kanilang bayan sa Cauayan, Isabela upang magsilbing serbisyo publiko.
Kamakailan lamang, mahigit 1,200 katao ang napagsilbihan ng ACT-CIS Aksyon Center sa kanilang dalawang araw na medical and dental mission.
Sa kanyang aktibong mga gawain sa loob at labas ng Kongreso, si Congresswoman Tulfo ang Vice Chairperson ng House Committee on Overseas Workers Affairs at House Committee on Sustainable Development Goals. Siya rin ay aktibong miyembro ng House Committees on Energy, Foreign Affairs, Games and Amusements, Inter-parliamentary Relations and Diplomacy, Social Service at Land Use.
Marami na ang nakahandang plano ng ACT-CIS para sa mga lubos na nangangailangan.
Lubos ang pasasalamat ni Congresswoman Tulfo sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa kakayahan at tulong na kanilang magagawa. Makakaasa ang ating mga kababayan sa patuloy na pagtulong si Congresswoman Tulfo.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close