TULAK NA NAHULIHAN NG P13.6M SHABU ANAK NG PRESO SA BILIBID

ANG nadakip na “drug dealer” na nakunan ng nasa P13.6 milyon halaga ng shabu kamakalawa sa Mandaue City ay pinaniniwalaang kasabwat ang kanyang ama na nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Metro Manila.
Nabatid na ang naarestong si Dave Kller Natividad ay anak ng isang “Dodong” Natividad na nakakulong sa NBP, sabi ni Police Lieutenant Franco Rudolf Oriol, hepe ng Mandaue City Police Office (MCPO) Intelligence Branch (CIB).
Sinabi ni Oriol na si Dave Natividad ay bagong identified drug personality na nakakapag-dispose ng malaking volumes ng shabu kada buwan.
Aniya, matagal nilang minanmanan ang batang Natividad bago ikinasa ang buy-bust operation laban dito.
Sinabi ni Dave Natividad sa pulis na tinatawagan lamang siya sa mobile phone ng hindi kilalang tao kapag binagsakan siya ng suplay sa Cebu. Hindi niya raw kilala ang supplier.
Ayon kay Oriol, nahihirapan silang matukoy kung saan nanggagaling ang suplay ng iligal na droga. Ang pinakamagaling lamang na nagagawa nila ay makapag-establish ng communication sa pagitan ng drug dealers para sa buy bust operation at mahuli ito.
Sabi pa ni Oriol, mahirap matukoy ang Bilibid link. Ang tanging magandang magagawa lamang nila ay maipaalam sa management ng NBP ang tungkol sa kanilang natuklasan.
Sa Tipolo buy-bust operation nung Enero 13, gabi ng Lunes, si Natividad ay gumamit ng pickup truck, Nissan Navara, na pag-aari ng kanyang uncle nang maaresto.
Nakunan din si Natividad ng isang 9mm pistol pero mayroon itong legal papers, may Permit to Carry (PTC).
Ang 32-anyos na Natividad, taga-Bgy Calamba, Cebu City, ay nakunan ng halos 2 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million sa buy-bust operation bandang 3:00 am sa Sitio Maharlika, Barangay Tipolo, Mandaue City.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *