Inaresto ng mga awtoridad ang 3 lalaki matapos nilang subukang lumusot sa isang checkpoint dito sa lungsod, Lunes ng hapon.
Ayon sa ulat, pinasakay at pinagtago sa likod ng sasakyan ng truck driver na si Vergel Jurial sina Herald Jone Alsa at Ruel Jay Tejada upang makapasok sa Davao City na kasalukuyang nagpapatupad ng community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nang tanungin ang driver na si Vergel kung may kasama siya, mariin nitong sinabi na mag-isa lang siya pero nang pinabuksan ang likod ng truck, nakita na nagtago sa likod ng mga kahon sina Herald at Ruel.
Galing sa Cagayan de Oro ang truck na mga kahon na walang laman ang karga.
Sa ilalim ng regional lockdown ng Davao, pinapayagan na makalusot ang mga cargo truck pero isa lang dapat ang sakay nito at hindi rin dapat bumaba sa truck ang naturang driver.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11332 Section 9 for non- cooperation ang tatlong lalaki.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *