Luka-Luka sa NBA!

Sa NBA mayroon ngayong dalawang pares na tatlong mag-uutol na mga basketeer..
Sila ang mga Holiday (Aaron, Justin at Jrue) at mga Antetokounmpo (Kostas, Thanasis at Giannis).
Itong sina Aaron at Justin ay miyembro ng Pacers samantalang si Jrue ay kasapi ng Pelicans. Pinakamatanda si Justin, sumunod si Jrue at pinakabata si Aaron.
Mga magulang nila sina Shawn Holiday at Toya DeCree na kapwa nagdribol para sa Arizona State.
Gumawa sila ng kasaysayan nang sila ang kauna-unahang trio na magkakapatid na naglaro sa iisang game. Naganap ito noong Ninos Inocentes 2019 sa laban ng Indiana kontra New Orleans sa Smoothie King Center.
Magkakasabay pa kamo sila sa homecourt ng Pelicans sa 3rd quarter ng naturang match.
Ire namang mga Griego na pinangungunahan ng binansagang The Greek Freak na si Giannis ay sinamahan ni Thanasis sa Bucks habang napunta sa Lakers si Kostas.
Pare-pareho silang isinilang sa Athens, Greece bagama’t tubong Nigeria ang kanilang ama’t ina.
Mas may edad si Thanasis sa tatlo, gitna ang reignng MVP at mga kuya sila ng Los Angeles forward.
Malamang darating din ang oras na mapapanood natin silang lahat sa isang paghaharap ng Milwaukee at LA.
Mayroon ding kambal sa season na ito sa pinakapopular na torneo sa buong mundo. Sila sina Cody at Caleb Martin na mag team mate pa sa Charlotte Hornets. Nandiyan pa rin sina Brooke at Robin Lopez.
Dati may Jason at Jarron Collins, Marcus at Markieff Morris, Horace at Harvey Grant.
Sa atin mayroon ding tatluhang magkakaputol ng pusod na pamoso. Sila sina Codinera (Jerry, Harmon at Pat) at mga Pumaren (Derrick, Franz at Dindo).
Anak sina Jerry, Harmon at Pat ng bantog na baseball player na si Filomeno “Boy” Codinera.
Silang lahat ay nakapanhik sa propesyunal na liga at pinakamahaba ang career nitong si Jerry na maraming nasungkit na korona sa kanyang pagsuot ng uniporme ng Purefoods.
Walang nakasunod sa yapak ng baseball legend nilang tatay dahil nga mas maganda ang oportunidad
sa basketball.
Sina Derrick, Franz at Dindo naman ay mga supling ni Pilo Pumaren na isang basketball mentor din.
Tanging si Derrick lang ang hindi naging PBA player pero naglaro siya para sa UE Warriors at naging bench tactician sa pro league.
Aba may seeing double din tayo sa PBA. Ito ang mga Fil-Aussie na sina David at Anthony Semerad na mga produkto ng San Beda Red Lions. Si David ay nakakontrata sa Blackwater Elite habang si Anthony ay nakapirma sa TNT Katropa.
Nguni’t bago sila mayroon na ring Aldanese (Jing at Noli) at De Guzman (Noel at Joel) twins.
Siguradong proud kanilang parents sa narating ng kanilang mga bunga.

***

Naaghuhulaan ang barkadahan sa pondahan kung ipagpapalit ng Lakers ang kanilang forward na si Kyle Kuzma, ang natitirang core nila dati. Pero pagkatapos nang ipinakita ni Kuzma sa game vs OKC noong Sabado ay malamang hindi na. Kahit wala ang 3 sa kanilang first five (LeBron James, Danny Green at Anthony Davis) ay nagwagi pa rin sila sa Thunder dahil maganda pinakakita ng buong team sa pangunguna ni Kyle. May season high siyang 36 points sa mahigit na 60% shooting percentage sa dos at tres. Mayroon din siyang 7 rebounds. Wow nga. .

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *