Traffic enforcer rumesponde, patay sa bangga ng SUV ng pulis

Davao City – Patay ang isang traffic enforcer matapos mabangga ng sasakyan habang rumeresponde sa isang aksidente sa siyudad na ito Huwebes ng hapon.
Dead on the spot si Rey Sison nang mabangga ng sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang pulis.
Sa ulat, nakatayo ang biktima sa gitna ng kalsada sa bypass road ng Barangay Maa habang kinakausap nito ang mga sangkot sa nirerespondehang aksidente nang mabangga ng rumaragasang SUV na minamaneho ng isang pulis.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang traffic enforcer sa isang van na iniimbestigahan nito.
Hindi na nagbigay ng paha-yag ang pulis na nahaharap sa kasong ‘reckless imprudence resulting in homicide’.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *