Umani ng papuri mula sa netizens maging sa kaniyang mga katrabaho ang isang traffic enforcer ng Quezon City matapos nitong ibalik ang malaking halaga ng pera na kaniyang napulot.
Kuwento ng traffic enforcer na si Renato Tiongson, nitong Miyerkules ng umaga, nakapulot siya ng P10,000 cash sa loob ng compound ng Quezon City Hall.
Sa halip na itago at pag-interesan, agad niya itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.
Kasalukuyan pang hinahanap ang tunay na may-ari ng pera.
Nakadestino si Tiongson sa Department of Public Order and Safety ng Quezon City.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *