‘TOTAL DEPLOYMENT BAN’ NG OFW SA KUWAIT APRUB NA!

APRUBADO na ang total deployment ban ng lahat ng overseas Filipino workers sa Kuwait ng governing board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa rekomendasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
“On recommendation of Labor Secretary Silvestre Bello III, the POEA governing board has just approved a resolution imposing a total ban on the deployment of workers to Kuwait,” sabi ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon naman kay POEA administrator Bernard Olalia, ang total deployment ban ay magiging epektibo simula ngayong araw, Huwebes.
Matatandaang una nang nagpatupad ang pamahalaan ng partial deployment ban sa Kuwait at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapadala ng mga bagong Household Service Workers (HSWs) kasunod ng pagkamatay ni Jeanelyn Villavende.
Biktima si Villavende ng pang-aabuso at pagpatay sa pamamagitan ng bugbog ng kanyang mga amo habang nagtatrabaho sa naturang bansa.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *