Nagreak sa pagbabalik ni Lloydie sa sitcom

ISA si Toni Gonzaga sa  mga hinahangaang  celebrity ngayon hindi lang dahil magaling na singer kundi magaling din siyang umarte.
Kaya nga maraming brand ang nagtitiwala sa kanya bilang endorser, lalo na’t isa siyang hands-on mother kay Seve at wife kay Direk Paul Soriano.
Sa katatapos na launching niya bilang bagong endorser ng Cetaphil ay nakapanayam ng inyong StarsPhotog si Toni tungkol sa kanyang bagong endorsement. Sinabi ng Multi-Media star na hindi pa man sya endorser ay ginagamit nya na ang produkto dahil maganda raw itong gamitin dahil bagay sa kanyang sensitive skin.
According kay Toni, mula noong baby pa raw si Seve ay Cetaphil na ang ginagamit nya dahil nagkaroon daw ito ng mild skin asthma na namana ni Seve sa kanya kaya kailangang gumamit ito ng mild soap and lotion.
Bukod pa rito ay naitanong kay Toni kung kumusta na sya bilang ina ni Seve. Nabanggit ni Toni na 3 years old na raw si Seve at naiintindihan na ng anak ang kanyang trabaho bilang artista pero sa kabila nito ay mas priority nya pa rin ang kanyang pamilya.
Dahil 3 years old na si Seve ay natanong ng inyong StarsPhotog kung balak na ba nilang sundan ni Direk Paul si Seve at ito ang sagot ni Toni, “Hindi naman namin plinano si Seve, bigla na lang sya dumating sa amin, kaya kung tinatanong nyo kumg susundan namin sya ay hindi pa namin alam. Kung dumating ang susunod na baby ay darating at hindi kailangan planuhin.”
Ikinabigla rin daw ni Toni ang pag po-propose ni Mikee sa kanyang kapatid na si Alex ng kasal pero happy naman daw sya para sa utol. Pabiro pa nga ni Toni na ang payo nya kay Alex ay huwag magpakatotoo kay Mikee at baka ma-discover nito ang kakulitan ng kapatid (sabay tawa).
Hindi nga raw sya sinasama ni Alex sa pagpaplano ng kasal nito at baka raw guluhin nya ang kasal nito.
Nakibalita rin ako kay Toni kung may alam ba siya na babalik si John Lloyd Cruz sa kanilang sitcom sa ABS-CBN na “Home Sweetie Home.”
Wala raw siyang balita pero kung mangyayari anya yun ay ikatutuwa nilang lahat.
May gagawin daw pelikula si Toni sa Star Cinema ngayong taon pero hindi nya pa umano pwedeng i-reveal kung sino ang kanyang leading man.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *