Titser patay sa riding in tandem

NALIGO sa sariling dugo nang bumulagta ang isang guro matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang naghihintay sa labas ng bahay ng kanyang kasamahan sa Davao City.
Kinilala ang biktimang si Joan Laruya, 38, nagtuturo sa Katipunan Elementary School at residente ng Asuncion, Davao del Norte.
Sa report, naganap ang insidente sa labas ng bahay ng kasamahan nitong guro sa Barangay Cambanogoy, Asuncion.
Ayon sa ulat, biglang sumulpot ang riding in tandem at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.
Ayon sa kaanak ng biktima, wala silang matandaan na may kaaway ang biktima bagkus isa ito sa mga tinagurian “one of the best teachers’ sa nasabing paaralan.
Nagpapatuloy pa ang im-bestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close