Arestado ang isang guro matapos ireklamo ng sextortion sa Malolos, Bulacan.
Nagpanggap pa raw na babae ang suspek para gawan ng kahalayan ang isang 15-anyos na estudyante.
Naaresto si Lester Torres, 32, sa isang entrapment operation na isinagawa ng Region 3 Anti-Crime Unit nitong Huwebes ng gabi sa isang abandonadong gusali ng Department of Education.
Hindi na nakapalag ang suspek na guro nang dalhin siya sa presinto.
Ayon sa biktima, Disyembre pa nang maka-chat niya ang guro na nagpanggap umanong babae. Hiningan daw siya nito ng hubad na video hanggang sa ginamit daw ito ng suspek pang-blackmail.
Nagbanta raw ang suspek na ikakalat ang video kung hindi papayag ang biktima sa planong kahalayan sa lugar kung saan nahuli ang teacher.
Nakuha sa suspek ang cellphone at isang lubid na gagamitin daw sanang pangtali sa kamay ng biktimang estudyante.
Panay tanggi naman si Torres sa paratang, bagama’t ayon sa pulisya matibay ang mga ebidensya nila laban sa guro.
Nahaharap si Torres sa kasong sextortion at paglabag sa Anti-Voyeurism Law in Relation to Child Abuse.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *