Titser miembro ng ACT, binaril sa harap ng iskul

Bukidnon – Nabaril ang 34-anyos na guro ng hindi pa nakikilalang suspek sa Valencia City, Bukidnon, Martes.
Kinilala ang biktima na si Zhaydee Cabañalez, 34, ng Purok 8, Sinabuagan, Valencia City.
Ayon sa asawa nitong si Ramil, naganap ang insidente 8:00 ng umaga sa labas ng Dalit Elementary School kung saan siya nagtuturo.
Agad naisugod si Zhaydee sa Adventist Medical Center at ngayon nasa stable condition na.
Iginiit ni Ramil sa mga im-bestigador na ma apat na lala-king nag-aantay sa labas ng paaralan na mga nakasuot ng bonnet.
Dito pinagbabaril ng ilang beses ang biktima.
Pinaputukan din aniya siya ng mga suspek ngunit agad namang nakailag.
Siyam na basyo ng .45 caliber ang narekober sa krimen.
Kinondena naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang pag-atake kay Zhaydee.
Si Cabañelez, naging 2016 Outstanding Teacher awardee sa kanilang barangay.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *