‘Tisoy,’ patuloy na humihina – Pagasa

Patuloy na humihina ang Bagyong “Tisoy” habang binabagtas ang Occidental Mindoro.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 kahapon ng hapon, huling namataan ang bagyo sa 110 kilometers Northwest ng San Jose, Occidental Mindoro o 135 kilometers North ng Coron, Palawan bandang 4:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas na hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 200 kilometers per hour.
Tinatahak parin nito ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:
SIGNAL NO. 3:
Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island at Batangas
SIGNAL NO. 2:
Romblon, Camarines Norte, Metro Manila, Bulacan, Bataan, Tarlac, Pampanga, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Islands, Zambales, Marinduque, Cavite, Laguna, northern portion ng Camarines Sur, southern Nueva Ecija, southern Aurora at Calamian Islands
SIGNAL NO. 1:
Southern portion ng Quirino, natitirang bahagi ng Aurora, northern portion ng Palawan, nalalabing parte ng Camarines Sur, Cuyo Islands, Pangasinan, southern portion ng Nueva Vizcaya, Burias Island, bahagi ng Nueva Ecija, Northen Aklan at northern Antique.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close