TISOY NAG-IWAN NG 13 PATAY! | Headline News

TISOY NAG-IWAN NG 13 PATAY!

UMABOT na sa 13 katao ang nasawi sa Region IV, V, VIII, at MIMAROPA sa pananalasa ng bagyong Tisoy nitong Martes.
Base sa ulat ng Police Regional Office 5, isa ang nasawi sa Bicol region; Libmanan, Camarines Sur; Bulan, Sorsogon; Sorsogon City; Goa, Camarines Sur; at Pili
Habang lima naman ang naiulat sa MIMAROPA na kinilalang sina Ildefonso Reyes- Delos Santos, Jessie Santos, Efren De Guzman-Cueto, Domindor Motol-Lazo, na pawang mula sa Oriental Mindoro; at si Bernabe Minay-Lundag na nakatira sa Marinduque.
Dalawa iba pa ang naiulat ding nasawi sa CALABARZON.
Ayon naman sa Office of Civil Defense in Region VIII, isa ang nasawi sa Ormoc City dahil sa natamong head injury.
“There could have been more if we did not do pre-emptive evacuations,” ani Gov. Humerlito Dolor.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo kagabi o ngayong umaga.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close