Bgy. kapitan sa Laguna inambus

CAMP VICENTE LIM – Namatay habang ginagamot sa Global Care Hospital ang isang pulis matapos tambangan ng riding in tandem habang lulan sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Barangay Mayapa, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa inisyal na ulat ni Laguna PNP Public Information Officer (PIO) Capt. Celso Jhune Talampas kay Provincial Director Col. Eleazar Matta, ang biktima ay si Lt. Ramil Gonzales, kasalukuyang sumasailalim sa Officer Basic Course (OBC) Trainee, residente ng naturang lugar.
Sa imbestigasyon, dakong 8:00 ng gabi nang nang mangyari ang pananambang. Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang ikalulutas ng krimen.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close