Tinikman ang sarap ng pag-ibig... 2 MISYONERO NA MADRE BUMALIK NA BUNTIS

KASALUKUYANG iniimbestigahan ng Simbahang Katolika ang dalawang misyonerong madre matapos bumalik na buntis galing sa missionary work.
Nabibilang sa magkaibang kumbento sa Sicily, Italy ang dalawang madre na parehong naglakbay sa Africa.
Ayon sa Italian News Agency na ANSA, napag-alaman ng isa sa mga madre na buntis siya makaraang pumunta sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan.
Mula sa Militello, inilipat ang 34-anyos na madre sa Palermo bilang paghahanda sa panganganak at maaaring pag-alis sa buhay monasteryo.
Habang ang isa naman na napaulat na Mother Superior ay umuwi sa Madagascar matapos mapag-alamang isang buwan nang buntis.
“An investigation has been launched. They both breached strict rules of chastity but the welfare of their children is uppermost,” pahayag sa The Sun ng isang source sa simbahan.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close