Nahaharap ngayon ang buong mundo sa malaking krisis sa kalusugan na siya namang sumusubok sa pagkakaisa ng sambayanan. Sa kabila nito, mayroon pa ring mga bagay-bagay na nagsisilbing “ray of hope” natin sa mga negatibong balita ngayon.
Kasama na rito ang isang netizen na si Noe ‘Wiwit’ Endaya. Isa itong mobile fish vendor at isa ring kagawad sa kanilang lugar sa Gubat, Sorsogon.
Humingi naman ng paumanhin si Noe sa kanyang mga ka-barangay dahil kaunti lamang ang kanyang naipamahagi. Gayunpaman, gaano man kaliit ang tulong na ito ni Noe, malaki na ang ambag nito sa pang-araw-araw na kailangan ng kanyang mga ka-barangay.
Mabilis na binigyang atensyon sa social media ang ginawang ito ni Noe na ikinatuwa naman ng marami lalo na at kailangan natin sa panahon ngayon ang mga tulad niyang may malasakit sa kanilang kapwa.
Dahil sa sunod-sunod na community quaratine sa iba-ibang lugar sa bansa, maraming mga kababayan natin ang nawalan ng hanapbuhay. Kaya naman kahit sa kanyang maliit na paraan, minabuti ni Noe na huwag munang gamitin ang binebentang isda para kumita siya bagkus ibibigay na lamang niya ito ng libre para sa kaniyang mga ka-barangay na lubos na nangangailangan ngayon ng kanilang makakain.
Itinuring si Noe na magandang halimbawa ng isang mabuting tagapaglingkod sa bayan.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *