Team PH may 21 gold medals na sa unang araw ng SEA Games | Sports News

Team PH may 21 gold medals na sa unang araw ng SEA Games

BUMABAHA ng gintong medalya sa unang araw ng 30th Southeast Asian games (SEA Games) dahil sa pagbuhos ng medalya sa iba’t ibang larangan ng sports at events na sinalihan ng mga Pinoy athletes.
Umarangkada kaagad sa 21 gold medals ang naibulsa ng Pilipinas (as of 6:30 pm kahapon.
Huling naka-gold medal ang bansa sa Sepak Takraw-Men’s Hoop Event nang kumamada ng 670 na puntos na sinusundan ng Cambodia na meron lamang 450 at Laos sa 430.
Bago ito huling naka-gold si Dexler Balambao sa men’s bantamweight 55kg and below category sa Arnis competitions.
Unang nakabuwena mano ng gold medal si John Rambo” Chicano sa triathlete.
Nagtala sa oras na 1:53:23 si Chicano upang iposte ang kanyang unang gold medal sa SEA Games matapos na mag-silver lamang noong 2015.
Naging back-to-back 1-2 finish ang Team Pilipinas nang makuha rin ang silver medal.
Maging sa women’s triathlon bumida rin sa 1-2 finish ang bansa sa pamamagitan nina Kim Kilgroe at si Kim Mangrobang.
Nagawang maidepensa ni Mangrobang ang kanyang 2017 SEA Games gold medal.
Samantala sa ulat naman mula sa Royce Hotel sa Clark, Pampanga agad ding humakot ng limang gold medals ang mga Pinoy athletes sa dancesports.
Nagbulsa ng back-to-back gold medals ang mag-tandem na sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen.
Dalawa ang kanilang medalyang ginto sa single dance waltz na may score na 29.950 at sa single slow foxtrot na tumpion para sa kabuang 30.200
Hindi rin naman nagpahuli sina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla nang mamayani sa single dance tango pati na sa single dance Viennese waltz.
Noong una pa man tinataya na ng mga Philippine officials na tatanghaling hari ang bansa sa larangang ito dahil sa angking galing sa pagsayaw.
Umaabot sa bilang na 56 record breaking sports at mahigit 500 events ang paglalabanan ng 11 mga bansa sa loob ng halos dalawang linggo.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close