CLEARING OPERATION, SIMULAN SA HANAY NG PNP HINDI SA MGA SIYUDAD AT LUNGSOD

Napaka lumang tugtugin na itong proyektong sini-simulan ni Philippine National Police Chief Gen. Archie Gamboa hinggil sa pag-sugpo ng illegal gambling at ‘No Take Policy” ng kapulisan kuno sa buong bansa.
Halos lahat ng naging PNP chief ay ganito ang ginagawang istilo na naging epektibo naman dangan nga lamang ay good for one month lang at back to the basics muli.
Natural, obligadong makilala at maramdaman ang mga tao at opisyal ng bagong administrasyon ng PNP chief, siyempre pa, ang mga taong ito ni hepe ang makikipag-usap at aayos sa lahat.. Ang ganitong kalakaran ay SOP na since time in memorial.
Sana naman ay iniba naman ni General maski na konti ang kanyang style dahil kumbaga sa istorya ay ‘change log” lang, walang nabago at carbon copy na sa mga nakaraang PNP chief.
Kawali pa lang ang city hall at bakal pa lang ang holen ay ganito na ang kalakaran na sa bandang huli ay recognition lang pala at pataas lang ng presyo ang motibo he he he.
Majority o halos lahat ng naging big-boss ng kapulisan ay ganito palagi ang direktiba, all out war against illegal gambling at no take policy, napaka marangal at desente naman ng image niyo sir..
Matic na siyempre na may mga sinasampol na mga gambling lord and at the same time ay may sacrifice rin na mga opisyal ng PNP na umano’y hindi napa-tupad ang kanyang direktiba kung kaya’t obligadong gumalaw ang mga opisyal na kalimitan ay mga district director, regional director na lahat halos ay star rank na.
Talaga naman all out war to irradicate illegal gambling ngunit at the end of the day ay sila-sila pa rin ang namamayagpag, di po ba?
Maraming situwasyon ang naganap partikular na sa Central Luzon kung saan talamak at garapal ang mga sugalan. Walang dapat pang gawing iba ang mga pulis kundi arestuhin ang gmbling lord na nagdadala ng martsa at tangan ng mga sugalang ito.
Hinog na hinog na at saksakan ng popular ang big-time GL na ito hindi lang sa hanay ng kapulisan kundi sa buong bansa, anyari?
Hanggang sa kasalukuyan yata ay “as is “ pa rin ang status nitong GL na ito. Ang matinding nangyari ay naging Gobernadora pa ng isang Probinsiya ang babaeng ito hanggang sa ngayon, wow naman sir.
Walang masamang tinapay, di po ba? Maaaring naging hanap-buhay nga niya ang mga sugalan nguni’t sa isang banda ay marami naman sigurong natulungang tao ang Aleng ito, namahagi ika nga kung kaya’t siya ay naluklok sa kanyang pinagkaka-lagyan nga-yon, minahal siya ng mga tao.
Sa panahon ngayon ay parang tanggap na ng sosyidad at ng publiko ang mga illegal na sugalang ito ke ano pa man ito. Marami rin sigurong nalilibang at natutulungan ang ganitong klase ng hanap-buhay.
Ang sikat na sugal na kung tawagin ay ‘JUETENG” ay nilalaro simula pa noong panahon ng mga Kastila partikular na sa Luzon. Ma-chao naman kung tawagin ito sa Visaya at Mindanao. Di kaya naging kultura na ito at maaaring naka-gisnan na ng mga Pinoy.
Sa Maynila naman ay parang naging natural at normal na rin ang mga illegal bookies ng karerahan, mga saklaan at mga tupada o sabong na tinuturing na ring livelihood program ng ilang Barangay.
Kung tutuusin ay mas maraming nalululong sa mga legal na casino na hanggang sa mga ari-arian ng mga player nito ay nabebenta na kung minsan ay hanggang sa kanilang mga asawa ay nawawala at napag-bili na rin.
Maraming sinirang buhay, maraming namatay at pinatay sa bisyong ito, eh sanka pa? Nadagdagan pa ng POGO na hindi lang basta sugal, kumpleto rikado ang kaligayahan dito dahil one stop shopping lang kasama na ang babae. he he he
Gen. Gamboa sir, karapatan niyo po na ipa-tigil ang sina-sabi niyong mga illegal gambling na ito na kung titingnan ay mga piyait-piyait, sugal-lupa, small time sir.
Kung mangyayari at magaganap ang inyong ina-asam sana naman ay panindigan niyo na hanggang dulo, hanggang sa pag-baba niyo sa posisyon, kudos at mabuhay kayo General!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *