Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Task Force COVID Kontra Peke.
Ayon kay PNP deputy chief for operations Lieutenant General Guillermo Eleazar, layon nilang tugisin ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media kaugnay ng COVID-19.
Maliban dito, babantayan din ng PNP ang hoarding at overpricing ng ilang produkto lalo na ng face mask at alcohol.
Matatandaang isang negosyante sa Quezon City ang inaresto ng PNP CIDG matapos magbenta ng overpriced alcohol gamit ang Facebook.
Ang nasabing hakbang, bukod pa sa ginagawang pagbabantay sa mga checkpoint na siyang tinututukan ng PNP kasunod ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *