BATANGAS LADY MAYORS HINDI RAW KORAP

HABANG mainit ang kampanya nina PNP Dir. General Archie Francisco Gamboa at PNP Region 4-A Dir. B/G Vicente Danao Jr. laban sa operasyon ng perya-sugalan,video karera at fruit games, hindi naman natitinag ang takbo ng mga STL cum jueteng maintainner, karamihan sa mga ito ay mayor, barangay chairmen sa CALABARZON at sentro ng kanilang operasyon ay ang mga siyudad ng Lipa, Tanauan, bayan ng Padre Garcia at ilang mga munisipalidad sa Batangas.
Sa pagbubunyag ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), may 100 STL bookies o jueteng operator ang kumikilos pa rin sa Batangas at ang mga ito ay may lingguhang payola sa nagpapakilalang kolektor ng media na si alias Jun Milan, gamit na panakot ang pangalan ni RD Danao Jr at alias Sgt. De Guzman na ang ginagasgas naman ay ang opisina ni Batangas PNP director, Col. Edwin Quilates.
Ito ang matinding dahilan kaya di masugpo ang jueteng na nag-aanyong ligal na operasyon ng PCSO-sponsored STL at kalakalan ng droga sa nasabing rehiyon.
Batay sa pagbubunyag ng VACC sa bisa ng kalatas ni Koi Laura, hard-hitting reporter ng Police Files Tonite,kay DILG Usec. for Barangay Affairs Martin B. Diño ay narito ang karugtong ng listahan ng mga untouchable gambling operator at high profile illegal drug traders sa Lipa City:
6. Alias Topher Taba- dating katiwala ni Ana Tomboy-nagpapatakdo din ng jueteng sa Lipa City gamit na rebisahan ang Sitio Basang Hamog sa nabanggit ding lungsod.
7. Alias Kap Zara- Drug pusher sa Brgy. Sampaguita, kapitalista din ng jueteng sa nabanggit na barangay.
8. Alias Kap Randy- Nakabase ang operarason sa Brgy. Sulok kung saan may rebisahan ng taya sa kanyang bookie operation. Sangkot din sa kalakalan ng shabu sa nasabing siyudad.
9. Kap Carling- Kahit sino pa ang maupong PNP Regional 4-A at Batangas Provincial director hanggang sa pamunuan ni Col. Edwin Quilates ay hindi natinag ang operasyon ng jueteng at bentahan ng shabu nito sa Brgy. Bulacnin.
10. Alias Kap Fonti- humahawak ng kalakalan ng droga at STL bookies cum jueteng sa mga Brgy, ng Granja at Poblacion 7.
11. Alias Kap Gonzales- maintainner ng STL/ jueteng sa Brgy. San Benito, pusher din ng shabu sa nasabing lokalidad.
12. Alias Kap Lacorte- Magkahalong STL bookies/jueteng at pagbebenta ng shabu ang raket sa Brgy. Sto Toribio at Saint Michael.
13. Alias Kap August- Brgy. 8. Poblacion Lipa City ang pinangangasiwaan sa pagpapatakbo ng STL bookies cum jueteng at illegal drug.
14. Alias Ruben Sabedra- operator ng STL cum jueteng sa Brgy. Balintawak at kalakalan ng shabu sa nasabing barangay.
15. Alias Lorenz- Shabu pusher, STL bookies/jueteng maintainner sa Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan.
16. Alias Neneng Dista- STL bookies cum jueteng operator sa Brgy Uno, drug pusher din sa Poblacion.
17. Alias Vilma Tomboy- STL bookies cum jueteng financier sa Calle Poci, Brgy 3, Amapola Subdivision, C. Recto at bus stop, shabu pusher din sa nabanggit na lugar.
18.Alias Liza- isa sa mga kulasisi ni alias Ana Tomboy, katiwala sa pagpapatakbo ng kalakalan ng jueteng at droga sa Brgy. Balintawak at Poblacion.
19. Alias Linda- kasosyo ni alias Liza sa operasyon ng kalakalan ng droga at STL bookies cum juteng.
20. Alias Hadjie at Aiza- mag-asawang drug pusher na front ang game cock farm sa drug pushing at pagpapatakbo ng ng STL bookies sa Brgy San Jose na kilala ding San Jose Patay.
21. Alias Yema- Sa Brgy. Pangao ang rebisahan ng jueteng operation, may kubransa din sa Poblacion at mga karatig na barangay.
Nakadidismaya naman na walang aksyon laban sa mga nabanggit na iligalista si Lipa City Police Chief, LtCol. Antonio Rotol at City Mayor Eric Africa.
Kailangang alamin ng VACC kung totoong isa sa kapatid ni Mayor Africa ay kasosyo, patong o protektor ng mga drug/gambling maintainners sa nasabing lungsod? Sundan ang ating pagbunyag…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199, email: sianing52@gmail.com

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *