Dedo ang isang barangay tanod na inireklamo ng panggagahasa matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ginawang entrapment operation sa lalawigan ng Bulacan.
Kinilala ang napatay na suspek na si Boyet Tuando ng San Jose del Monte Bulacan.
Sa report ng pulisya, nakatanggap sila ng report mula sa isang babae na hindi pinangalanan na biktima ng panggagahasa at pananakot ng suspek.
Agad naman inilatag ang entrapment operation laban sa suspek na naganap sa isang motel sa naturang lugar.
Pumasok ang mga pulis sa motel para sana arestuhin ang suspek at sa halip na sumuko ay hinostage nito ang babaeng biktima.
Dito, pinaputukan pa umano ng suspek amg mga operatiba kung kaya’t gumanti ng putok ng baril ang mga awtoridad na ikinamatay ng suspek habang nailigtas naman ang biktima.
Nakuha mula kay Tuando ang isang kalibre .38 na baril, slug, basyo ng bala, at isang sachet ng hinihinalang shabu.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *