Nagpapatuloy pa rin ang abnormalidad ng bulkang Taal kahit ilang linggo na matapos ang phreatic eruption nito, kung saan kumalat ang ash fall mula sa Batangas hanggang sa mga karatig na lugar.
Ayon sa ulat ng Phivolcs, sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala parin sila ng puting usok mula sa main crater at may taas itong 50 metro, patungo sa direksyong timog kanluran.
Ang Taal Volcano Network ay nakapag-record ng 182 volcanic earthquakes, kasama na ang isang low-frequency event at isang harmonic tremor na tumagal ng tatlong minuto.
Sa kasalukuyan ay nananatili sa alert level 3 ang bulkan, na nangangahulugang posible pa rin ang panibagong phreatic eruption.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

One thought on “Taal volcano may mga pagyanig parin, pag- buga ng usok – Phivolcs”

  1. Hello there! This is kind of off topic but I need some help from an established blog. Is it difficult to set up your own blog? I’m not very techincal but I can figure things out pretty quick. I’m thinking about making my own but I’m not sure where to begin. Do you have any tips or suggestions? Thanks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *