Sylvia Sanchez thankful sa suporta ng BeauteDerm sa ‘Pamilya Ko’

 Paulo leading man ni Jane sa ‘Darna’

MABUTI na lang at  tapos na si Sylvia  Sanchez ng shooting ng Coming Home, na pinagtatambalan nila ni former Senator Jinggoy Estrada.
At least, may time na siya para sa mister niyang si Art Atayde. Nawalan kasi siya ng time kay Papa Art nong kasagsagan ng paggawa niya ng nasabing pelikula, and at the same time ay taping niya para sa drama series niya sa ABS-CBN 2 na Pamilya Ko.
Monday, Wednesday, and Friday ang araw ng shoot niya para sa Coming Home, at Tuesday, Thursday at Saturday naman ang taping niya para sa seryeng pinagbibidahan niya. At ‘pag Sunday, minsan ay nagkakaroon din kasi siya ng work.
Kaya ngayong bakante na siya ng MWF, ilalaan niya ang oras sa pamilya at kay Papa Art. Pero, magiging busy ulit ang award-winning actress sa paggawa ng pelikula, huh!
Lima pa ang nakatakda niyang gawin. O, ‘di ba, super in-demand talaga ngayon si Ibyang. Hindi siya nawawalan ng work. Bukod kasi sa mahusay na aktres ay professional pa siya.
Samantala, isa na namang award ang mapapasakamay ni Ibyang. Isa siya sa pararangalan ng North Europe International Film Festival 2020 bilang Best Lead Actress In A Foreign Language Film para sa pelikula niyang Jesusa. O ‘di ba, international Best Actress na si Ibyang?
Hindi lang dito sa atin kinikilala ang husay niya sa pagganap, maging sa ibang bansa rin. Our congratulations, Ms. Sylvia Sanchez!

***

BONGGA si Paulo Avelino, huh! Siya kasi ang napili ng Star Cinema para gumanap na leading man ni Jane de Leon sa Darna. Ang manager niyang si Leo Domingo ang nag-conifirm nito. Malaking tulong ito sa career ni Paulo dahil sure blockbuster ang Darna once naipalabas ito.
Wala mang serye ngayon si Paulo. at least, may isang malaking pelikula siyang gagawin, ‘di ba?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *