Suportado ng vendors paglilinis sa Maynila | Text brigade

Mga pasaway na driver ng biyaheng Tayuman, Tondo

Suportado ng mas maraming matitinong vendors ang consistent na paglilinis at paglalansag ng lahat ng obstructions sa mga bangketa at lansangan ng Lungsod ng Maynila. Tama ang direksiyon ni Manila Mayor Isko Moreno na ibalik ang kaayusan at para mabilis na maisagawa ang pagbabago, kailangan baliin ang sungay ng mga pasaway at mapanglamang sa mga kalsada.Totoo na mainam na hanapbuhay ang vending pero dahil naabuso na at nagdudulot na ng kawalang disiplina, angkop lang na walisin ang mga lumilikha ng bara sa maayos na daloy ng mga sasakyan, commuters, pedestrians at publiko. Sa mga vendors na naapektuhan ng mga clearing, marami pang diskarte na puedeng ipalit sa nakasanayang pagtitinda sa mga bangketa at lansangan habang inaantay ang mas magaling at mainam na plano ni Yorme Isko para sa mga vendors ng Maynila tulad ng nakaguhit sa kanyang mga plano, matiyaga lang mag-antay. – Lorna Sevilla, Tundo, Mla.

Mga tusong negosyante sa Tutuban, Divisoria

Mga burges tulad ng mga pamilyang Ayala ang backers ni Manila Mayor Isko Moreno kaya wala nang kapag-a-pag-asa pa na makabalik sa bangketa ang vendors. Taktika ng mga higanteng negosyante ang monopolyo sa merkado para makopo ang benta. Ang Ayala ngayon ang nagpapatakbo ng Tutuban na humina dahil sa nadagdag na 999 at 168 Malls sa Divisoria. Saksakan ng taas ng renta sa mga stall ng Tutuban kaya nagsisilayas ang mga umuupa, may porsiento pang ipinapataw sa kita ng stall renters at nagpapadagdag pa ng renta kada peak seasons kaya nasisimot na ang kita ng mga umuupa. Hindi tama na isisi sa vendors ang paghina ng Tutuban mall. Kapwa nila mga malalaking negosyante ang kumokumpentensiya sa kanila. Pinag-iinitan lang ang mga nagtitinging vendor sa bangketa para magsipagrenta sa kanila at makamkam ang benta, napakatusong negosyante, walang kabusugan. Pwe!- Arsenia Romero, Bdo, Manila

 

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close