2 BGY. KAGAWAD TODAS SA AMBUSH

SUGATAN ang isang sundalo na gumahasa sa dalagitang special child matapos atakihin ng gunting sa loob ng kulungan ng pinsang babae ng biktima sa Bacolod City.
Ginagamot sa ospital si Deo Balangen, 32, tubong Benguet, at miyembro ng 12th Infantry Battalion-Philippine Army sa Bacolod City.
Nahaharap naman sa kasong Frustrated murder ang 24-anyos na babaeng hindi pinangalanan, na pinsan ng rape victim, matapos saksakin ng gunting ang sundalo.
Sa report, 2:00 ng madaling nang atakihin ng babae na armado ng dalawang gunting si Balangen dahil sa sobrang galit.
Matatandaang dinakip si Balangen matapos maaktuhang ginahasa nito ang 17-anyos na dalagita sa loob ng kanyang van.
Lumabas din sa ginawang eksaminasyon na positibong ginahasa ang dalagita dahil sa laceration sa kaselanan nito.
Nahaharap sa kasong ‘Rape’ si Balangen.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *