CENTRAL MINDANAO – Grupo umano ng liquidation squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong mga suspek sa pamamaril-patay ang isang sundalo sa Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Cpl Jobert Saga, 33, may asawa, nakatalaga sa 63rd Division Reconnaissance Company (DRC) at residente ng Brgy. Lawili, Aleosan, North Cotabato.
Ayon sa ulat ng 6th Infantry (Kampilan) Division na nagbabantay lamang ang biktima sa gilid ng kalsada sa Brgy Pura, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao sa ginanap na isang grand kanduli.
Bigla na lamang dinaanan ng mga nakamotorsiklong suspek ang biktima at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Blah Sinsuat.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pursuit operation ng militar laban sa mga suspek na namaril sa biktima.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *