Arestado ang isang estudyante makaraan makuhanan ng 10 kilong marijuana na nagkakahalaga ng P1.2 million matapos na tanggapin o kuhanin ang padalang packge sa isang terminal ng bust sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang supek na si Karlo Jose Pio R. Ricafrente, 24, Estudyante ng Santolan, Pasig City.
Ayon sa ulat, 5:40 ng madaling araw ng isinagawa ang operation ng mga pinagsanib na elemento ng PDEA NCR, PDEA Regon 3 at PDEA CAR otoridad sa ES Transport Terminal sa E. Rodriguez, EDSA Cubao, Quezon City.
Nang matunton ng mga operatiba ang tinutukoy na bus kung saan isinakay ang nasabing bulto ng marijuana isinagawa ang entrapment operation
Narekober ng mga operatiba ang marijuana brick na may timbang na 10 kilos nagkakahalaga ng Php1,200,000.00.
Kakasauhan ang suspek ng paglabag sa Section 4 at 11 ng Article II RA 9165.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *