SOLCOM chief Lt. Gen. Gapay bagong Army chief | National News

SOLCOM chief Lt. Gen. Gapay bagong Army chief

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Southern Luzon Command (SOLCOM) chief Lt. Gen. Gilbert Gapay bilang bagong commanding general ng Philippine Army.
Si Gapay ang papalit sa pwesto ni Lt. Gen. Alberto Macairog na magreretiro na sa serbisyo sa Biyernes, December 6, 2019.
Si Gapay ay miyembro ng PMA Sinagtala class of 1986 at nag-graduate bilang top sa kanilang klase.
Una nang sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na limang heneral ang kasama sa shortlist para sa susunod ng Philippine Army chief.
Bago naging Solcom chief si Gapay, naging commander ito ng Mechanized Infantry Division at deputy commander ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) na nakabase sa Davao.
Habang si Macairog ay miyembro rin ng PMA Class 1986 at mistah ni Gapay.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close